Ang hirap palang mag failed sa isang bagay. lalo na kapag umasa kang magiging maganda ang kalalabasan. Pero
hindi pala, ang sakit sakit..
Minsan na isip ko, ganoon na ba ako kahina.. ginawa ko naman ung parte ko, pero wala parin. Siguro nga
hanggang dun nalang ako. Ang hirap tanggapin, nakakapang hina.
Sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ko, isa lang ang tiyak na malalapitan, masasandalan, mahuhugutan ng lakas, at hinding hindi ako huhusgahan. Walang iba kundi ang Panginoong Hesus. Siya lang ang nakakaintindi at nakakaalam ng lahat ng bagay sa buhay ko.
Kay hirap naman talagang mabuhay sa mundo, di natatapos ang mga sakit, pagsubok, problema, kabiguan. Pero kung may Diyos kang masasandalan, hinding hindi ka malalagay sa kapahamakan.
Si Hesus, siya ang aking tagapagligtas. Maraming pagkakataon na sa buhay ko na lagi niya akong nililigtas. Pero may mga panahon din na hinahayaan niyang maranasan ko ang mga pagsubok upang matuto ako sa buhay.
Sadyang malungkot ang mga nangyayari, pero patuloy lamang akong magtitiwala at mananampalataya kay Hesus. Naniniwala ako na maganda ang plano niya sa aking buhay. Ang marapat kong gawin ay sundin siya at gawin ang parte ko.
di naman talaga mahirap mabuhay dito sa mundo, tayong mga tao lang ang nagpapahirap. Kung gagawin natin ang tama at susunod sa Diyos, tiyak na mabuti rin ang mangyayari sa atin. Sabi nga, kung ano ang iyong itinanim yun din ang iyong aanihin.
Haaayy.. sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, kaya naisipan kong isulat ito. Di man detalyado kung bakit ako malungkot at nasasaktan ngayon. Ang nais ko lamang ay mailabas ang nararamdaman ko.
Balang araw sigurado ako, na sa lahat ng mga pagsubok na ito ay may magandang buhay na naghihintay sa akin. At alam kong hindi ako nag iisa dahil andyan ang Diyos na lubos na nagmamahal sa akin.
No comments:
Post a Comment
Hi, Thank you for dropping by and taking time reading my post. Your comment/s means a lot to me. Thank you and God bless you.